KABADO ako. Marunong akong kumanta at lagi akong ginagawang singer sa klase at gusto pang isali sa contest noon hindi ko lang tinuloy kasi gusto ni Mama nasa bahay lang ako. School at bahay lang. Kaya ng nalipat ako kay Papa, hindi pa rin ako pinayagan. Magastos dahil sa bibilhan pa ko ng damit at may CD pa.Kahit naman sa iba kong kapatid hindi siya supportive pagdating sa mga ganoon. Dahil ang panganay ni Papa sa bagong asawa niya. Mahilig sumayaw. Naiinis siya kapag sumasali sa dance contest. Hindi din siya nanunuod. Nagpalakpakan sila matapos kong kumanta. Nanginginig pa at basa na ang palad ko dahil sa kaba. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong nagha-hyperventilate. First ko kasi 'to. Nanginginig pa nga ang boses ko noong una pero nang nagtagal hindi na. Kasi iniisip ko kaila