NILINGON ko siya at tumango. "Oo para kay Mika," sabi ko at binalingan ang aking anak at pinakain. Hindi nagsalita si Sir Daxton. Tanging tunog ng tinidor, platito at si Mika ang maingay sa kusina. "Mama, ayaw ko na." Inabot ko ang tubig at pinainom siya. Tumayo na ito. "Saan ka na?" tanong ko. "Maglalaro ako sa kwarto ulit," sagot niya at nanakbo na papunta sa kwarto. "Do you communicate regularly? I mean for her needs?" Akala ko tapos na siya sa topic na 'yon. Hindi pa pala. Sumulyap ako sa kanya at naabutan ko na siyang titig na titig sa akin. "Hindi. Ngayon lang. Hindi mo ba 'yan ni-research?" tanong ko. Gusto ko kasing malaman kung hanggang saan ang alam niya sa past ko. Umiwas siya ng tingin. "I did." Tumango ako at hindi din siya tinignan. Napansin ko na ang tagal ni Lol