HINAWAKAN ko ang kamay ni Mika at tumawid sa kalsada. Nasa likod ko si Lola na kinakausap pa si Sir Daxton. Mag-aantay kami sa kabilang kalsada. Naubusan din kami ng tricycle dahil sa dami ng mga pasahero. "Charlotte! Dito daw tayo sa sasakyan ni Sir!" Nilingon ko si Lola habang hawak si Mika. Napahinto na kami dahil sa tawag niya. Kinakamayan niya ako at papunta na siya kasama si Sir Daxton sa nakaparadang BMW nito sa gilid. Bumuntong-hininga ako at walang nagawa kundi sumunod sa kanila dahil si Lola naroon na. "Nakakahiya naman, Sir. Baka nakakaistorbo kami," sabi ni Lola pero hindi mawala ang ngiti. Nakalimutan yata niya na nakwento ko sa kanya noon na pangit ang ugali ng Boss namin. Ang ganda kasi ng ngiti niya at panay pa ang kausap kay Sir Daxton. "No, Maam. Wala naman akong ib