WALANG salitang lumabas sa bibig ko. Nanghihinang ibinaba ko ang mga kamay. Nanlamig ang aking tiyan at nanginginig ang aking tuhod ng naglakad si Daxton at wala man lang ibang ekspresyon ang mukha niya. Mas kinabahan ako sa pananahimik niya. Tanging suot lang niya ay ang puting tuwalya na nakatapis sa beywang niya. Napaurong ako ng isang dangkal na lang ang layo niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko kung saan naroon ang relo habang hindi ako nilulubayan ng tingin. Marahan niyang kinuha ang relo sa palad ko. Ibinuka ko ang bibig pero walang salitang lumabas doon. Hindi ako makapagsalita kahit alam ko na dapat akong mag-sorry. Nahuli niya ako sa balak kong gawin. Bigla kong naramdaman na parang maiiyak ako dahil sa kahihiyan. "I know what you're up to. I knew from the beginning that