HINDI ako pinatulog ng mga eksena na nasaksihan ko kanina. Habang sinisilip ko ang payapang mukha ni Daxton sa aking tabi. Hindi ko maiwasang hindi isipin na kaya niyang gawin iyong kanina. Sobra ang galit niya para sa ganoong dahilan lang o baka mas malalim pa ayaw niya lang sabihin sa akin. Balik normal kami kinabukasan. Parang walang nangyari na kakaiba kahapon. Hindi ko din naririnig na pinag-uusapan ng mga kasamahan ko sa trabaho iyon o baka ayaw lang din iparinig sa akin. "Iyong... lalaki kahapon? Kumusta siya?" Nag-angat ng tingin si Daxton ng tanungin ko siya. Abala pa man din ito sa pagbabasa ng dokumento nito sa lamesa. "Nothing to worry, he's alive and kicking," aniya. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit duguan ang lalaki pero nakakaramdam