HINDI ko na nilihim ang nakaraan ko kay Daxton. Ayoko naman kasi talaga balikan ang noon. Kasi masakit lang sa dibdib pero natagpuan ko 'yong sarili ko na mag-open up sa kanya. Buong oras na nagkukuwento ako ay nakikinig lang talaga siya. "Mika will never experience what you had been through, Charlotte. I love her as my own. She's our eldest. Hindi magbabago 'yon," iyan ang pangako sa akin ni Daxton. Sumunod na araw ay nag-iba ang set-up namin. Pumayag na ako na sa penthouse ni Daxton kami ni Mika mag-stay. Isang linggo na din kami doon pero hindi kami mahilig na bumaba para mamasyal o maglibot. "I'll stay here with her while you're working." Ganoon ang ginagawa ni Daxton. Nagbabantay kay Mika habang nasa trabaho ako. "We'll gonna meet our parents tomorrow. Kasama ang dalawa kong kapa