SA HARAPAN ng gate ng private resort kung nasaan sina Bornok ay isang motor na lamang ang biglang huminto sa tapat nito. Kanina nga lang habang nagmamaneho siya papunta rito ay nakasalubong niya ang isang sasakyan na kaagad nga niyang nakilala ang mga nasa loob. “Pagdating sa paghahanap, ay ako ang pinakamagaling sa Lust World,” nakangising sabi ng lalaki na nakasuot ng pormahang rider. Ibinaba na niya ang salamin ng kanyang helmet sa pagbaba niya mula sa kanyang motor. “Kasama ba nina Lady Mirage at Grance ang naramdaman kong presensya noong nakaraan? Pero sino iyon?” sabi pa niya sa sarili na inalis na ang mga gloves sa kanyang kamay. Isa lang ang natitiyak niya ngayon, kasama rin ng mga iyon si Lady Miracle, at ang mortal na pinagpasahan nito ng kapangyarihan. “Mukhang ang m

