MAY ISANG babae ang palaging kumakain sa karinderyang pinagtatrabahuhan niya noon. Palagi na ito rito dahil sa sarap daw ng ulam na natikman nito. Naririnig pa nga niya sa kanyang mga kasamahan sa labas na tuwang-tuwa raw ang dalaga sa kanyang luto. Natatawa na nga lang siya sa mga ito at masaya siya kasi may magandang babaeng nakaka-appreciate ng kanyang ginagawa. Nahihiya siyang makipagkilala rito dahil baka mawalan ito ng gana na muling kumain doon. Baka hindi na rin daw nito gustuhin na matikman ang kanyang luto. Palagi niya itong pinagmamasdan mula sa kusina kapag ito ay sa kanila nagtatanghalian. Simple lang ang ganda ng babaeng ito. Pulbos lang ang nakapahid sa mukha at ang mabibilog nitong mga mata ay napakaamo. Ang labi nito ay palaging may pinkish na lipstick at ang buhok

