PAGDATING nila sa bahay nila sa kagubatang kubo ay agad na nagbihis ng damit si Bornok. Kinuha niya ang isa sa dambel na nasa gilid at ginamit ito nang paulit-ulit. Nakita naman siya ni sir France na nagyoyosi sa labas nang oras na iyon. “Hindi na ba masakit braso mo?” tanong nito sa kanya matapos bumuga ng usok. “Medyo nasakit pa sir, pero okay naman. Kaya ko naman,” ani Bornok na napangiti habang nakaka-tatlumpu na sa ginagawa. “Kakilala mo ba iyong babae?” “Oo sir,” sagot ni Bornok na patuloy pa rin sa ginagawa. Magkabilang kamay niya ang kanyang ginagamit habang nagda-dambel. “Type mo?” tanong ni Sir France at si Bornok ay napatingin sa mga puno na nasa harapan nila sa hindi kalayuan. “Dati sir. Pero matagal na iyon… Ilang taon na rin. Hindi ko nga akalaing magk

