“MATULOG ka na,” sabi ni France kay Bornok habang siya ay naninigarilyo sa may pintuan ng kubong kinalulugaran nila. Bago nga sila bumalik dito ay nagdala rin sila ng supplies ng mga pagkain para hindi laging kamote at saging ang kainin nila. Nagulat na nga lang din si France nang sabihin ng binata na ito na raw ang bahala kung may gusto siyang lutong ulam. “Talaga? Masarap kang magluto?” tanong ni France nang marinig iyon mula sa binata. “Hindi naman sir, marunong lang. Basta, ako ang bahala sa sunod, o baka gusto mong bukas?” ani Bornok at sa loob-loob ni France ay natutuwa siya. Para ngang may isang bagay na naman ang pumasok sa isip niya habang nakatingin sa binata. May kinakain daw siya at sarap na sarap siya sa pagkaing iyon, ang malabo nga lang ay kung ano iyon at sino ang k

