HINDI pa nakakarating si Bornok sa ganitong mall kasi sa dati niyang tinitirhang bayan ay wala namang mga ganito. Naitanong nga niya kay sir France kung nasa Maynila ba sila, at ang sabi nito ay wala raw, pero isa itong probinsya na kalapit lang din noon. Lahat ng pinasok nilang mga bilihan ng damit ay puro original ang tinda kaya nga kinakabahan siyang maghihipo, kaso, sabi ng kasama niya ay pumili lang siya ng gusto niya. Palagi na nga lang silang napagkakamalang shoplifter ni Sir France kasi bukod sa akala ay wala silang pera, ay ang dugyot daw kasi ng itsura nila. “Hayaan mo sila, ganyan talaga ang mga tao rito… Kapag pinakitaan ko ng pera ang mga iyan, babaligtad agad sila,” bulong ni Sir France kay Bornok nang silang dalawa ay nasa may sulok ng isang bilihan ng damit na mamahalin

