DAY 32. Kinabukasan ay mabilis na gumising si Bornok at nakarinig pa nga siya ng pagtilaok ng manok mula sa labas. Isang araw ang nakalipas matapos ang sampung araw niyang pagtulog ay pakiramdam kaagad niya ay ang daming nangyari sa mga sandaling iyon. Ngayon nga ay nasa isang liblib na lugar sila at kasama niya si Sir France, isang taga-Lust World, upang turuan siyang maging malakas. Habang kasama niya ito kahapon ay puro kwento lang ang kanyang narinig mula rito. Lahat ng kanyang katanungan ay sinagot nito at maging ang sinabi sa kanya ni Trixie dati na kailangan nito ang kanyang katas na nagmumula sa kanyang alaga, ay ito na raw ang bahala kapag magkikita silang dalawa ng dalaga. Sa paggising nga niya ay agad siyang nagmumog at naghilamos. Nakakatuwa para kay Bornok na ang kubon

