NANG makita ni Judy si Bornok na natutulog sa cottage sa dulo ay napangiti na lang siya. Kaso, dahil sa kasarapan ng tulog ng binata ay nakita niyang dahan-dahang bumababa ang ulo nito kaya nga nagmadali siyang lapitan ito para saluhin iyon. Sa dibdib niya bumangga ang ulo ni Bornok nang sambutin ito ng kanyang bisig at kaagad nga siyang kinabahan dahil doon. Para siyang nakaramdam ng tuwa na may halong kaba. “Nandito ka lang pala,” sabi ni Judy at bigla na nga lang gumalaw si Bornok at ang kanyang dibdib ay nasagi lalo ng mukha nito paglingon. Bigla niya tuloy naalala ang panaginip niyang kasama ang binata. Pinilit na nga lang niyang iwaglit iyon at pagkatapos ay doon na niya nakitang namulat ang mata nito. Sinabi niyang muntik na itong mahulog at nang lumingon si Bornok lalo sa kanya

