NANG SABIHIN ni Mira na may gusto sa kanya si Judy bago niya ito gamitan ng kapangyarihan ay parang ayaw niyang maniwala rito. Napatawa na nga lang si Bornok nang marinig iyon. “Imposible naman ma’am iyan. Paano ako magugustuhan ni Judy? Hindi naman ako gwapo,” sabi ni Bornok na mukhang natatawa pa rin sa narinig niya. Si Mira naman ay seryoso lang na pinagmasdan siya nang sabihin iyon. “Ganyan na ba Bornok ang tingin mo palagi sa sarili mo?” seryosong tanong ni Mira na nagpawala nang unti-unti sa pagtawa ng binata. “Siguro ma’am… Bago naman ako makilala ni Trixie ay sino ba naman ako?” Bumuntong-hininga si Bornok. “Ni minsan ma’am ay wala pang nagkagusto sa aking babae… Kahit yata babae ako ay hindi ako magkakagusto sa mukhang ito. Para sa akin ma’am, mukha ang basehan par

