MAKIKITA ang pag-aalala sa mukha ni Mirage nang pumasok siya sa loob ng kwarto kung nasaan si Bornok ay tatlong araw nang natutulog habang si Miracle na nasa tabi nito ay kahapon pa nilang hindi magawang gisingin habang naka-ub-ob ito sa tabi ng binata. Napatingin nga siya kay France na katabi niya nang sandaling iyon. Pareho silang walang alam sa nangyayari sa dalawa kaya ang tanging magagawa nila ay ang maghintay na magising ang dalawa. “Wala pa naman akong nararamdamang pagkilos nina Heath para marating tayo rito… Pero maging alerto pa rin tayong dalawa. Baka hindi na ako matulog nito para lang maging ligtas tayo rito. Si Grance ay nakabantay lamang sa pinakamalapit na bayan sa isla nating ito para magbigay ng signal sa sandaling may makarating na rin doong alagad nina Heath,” seryoson

