LABIS na pagkabigla ang naramdaman ni Heath dahil ngayon ay kaharap na niyang muli ang kanyang kapatid na si Evolh. Paano raw nito nagagawang makagalaw sa kabila ng lakas na mayroon siya? Siya raw ang pinakamakapangyarihan dapat dito. Kahit pa alam niyang kaya siyang tapatan nito noong nasa Lust World pa ito, ay ang alam niya ay wala na dapat itong kapangyarihan. “Ano ang nangyari? Paano ka nagkaroon muli ng kapangyarihan?” bulalas ni Heath na sa muling pagtayo ay agad na iniwasan ang isa na namang suntok mula sa lalaking nasa harapan niya. Kumuyom ang kanyang kamao at sa paghakbang niya pauna ay doon na nga niya buong lakas na binawian si Evolh sa sikmura nito. Kumawala ang isang hindi kalakasang hangin sa paligid at doon na napaseryoso si Heath. Nawala ang kanyang target at nang kikilo

