PAGKAPASOK nga ni Karmina sa kwarto nila ni Judy ay mabilis siya nitong sinundan sa loob. Pagkagaling sa panguguha ng kalamansi ng ate niya at ni Bornok ay agad nga niya itong pinuntahan para kausapin at tanungin. Seryosong tingin kaagad ang ginawa niya sa ate niyang parang ang gaan ng tingin sa kanya ngayon. Kalmado kasi ito at hindi niya alam kung bakit, dahil iba naman daw ang dating nito sa kanya kanina. “Hoy! Ate! Sabihin mo, nagpatira ka sa Bornok na iyon ano?” mahinang wika ni Judy sa kanyang ate at si Karmina ay marahang sinarhan ang bibig niya dahil doon. “Bunganga mo… Hindi!” sabi agad ni Karmina na hindi malaman kung matatawa ba siya o hindi sa sinabi ng kapatid niya sa kanya. Iyong mga ginawa nila ni Bornok kahapon at ngayon ay isang alaala na lang sa isip niya. Siguro