DAY 17. Mabilis na bumangon si Bornok mula sa kanyang pagkakatulog at matapos niyang umihi’t mag-hilamos ng mukha ay pumunta naman siya sa may tabing-dagat. Isang malalim na paghinga muna ang kanyang ginawa at pagkatapos ay isang hindi kalakasang sigaw ang kanyang isinunod. “Sarap!” sabi niya na bumigla naman ng dapa sa buhangin at nag-push-ups ng 50 times. Pagkatayo niya ay nagtatalon siya nang maraming ulit at bilang panghuli ay isang pagtakbo nang mabilis ang kanyang ginawa. Gusto niyang pawisan at mapagod nang sakto ngayong umaga. Humataw siya at sa pagdating niya sa dulo ay nakita niyang bukas na ang ilaw sa isa sa mga cottage doon. “Ang aga yata ah, alas-singko pa lang,” sambit niya at humugot muna siya ng lakas ng loob na puntahan ang kung sinuman ang naroon. Nan