WALA na namang ibang bagay na magawa si Bornok sa araw na ito. Pagkatapos nga niyang kumain at maghugas ng plato ay heto at tambay na naman siya sa kung saan dito sa resort. Relaxing naman talaga kung iisipin ang bagay na ito kasi wala siyang iniisip na trabaho. Wala rin siyang iniisip na kailangan niyang kumita ng pera para pambayad sa kung ano-ano. Kaso, nakaka-bored din daw pala ang ganito. Napatingin na lamang siya sa kalendaryong nakasabit sa dingding sa may terrace. Hinanap niya rito ang araw na nakilala niya si Trixie at binaybay ang mga araw mula roon. “18 days na pala, halos kalahating buwan na,” sabi ni Bornok sa sarili at nakarinig na lang siya ng masayang tawa mula sa kanyang likuran. Si Trixie iyon dahil naglalaro ito sa phone ng kanyang ma’am Mira. Bigla tuloy niyang

