ANG KASALUKUYANG hari ng Lust World na si Arthur ay may tatlong prinsipeng anak na talagang kinagigiliwan ng mga nakatira sa kanilang kaharian. Halos lahat ng kababaihan ay nababasa ang mga hiyas kapag sila ay nakikitang lumalabas ng palasyo. Ang blonde na si Heath ang panganay, pangalawa naman ay ang palaging seryoso na si France at ang pinakamagiliw at masayahin sa tatlo na si Evolh. Kapag nabibigyan ng pagkakataon na lumibot ng kaharian ang tatlo ay talaga namang walang pinapalampas na mga babae sina Heath at France. Lahat ay tinitikman nila, na ibang-iba naman pagdating kay Evolh na tila iniiba ang nakagawian ng mga dugong bughaw sa kahariang ito. Tinitigasan ng alaga si Evolh, ngunit ayaw niyang gawin ito sa mga babae na handang ibigay ang sarili sa kanya dahil sa siya ay prinsipe.

