TILA nagtataka sina Bornok kung bakit ilang araw na ang lumipas pero ni katiting na presensya ni Heath o ng sinumang taga-Lust World ay wala silang maramdaman. Sa pagpunta nga ni France sa siyudad para bumili at kumuha ng pangangailangan nila sa isla ay tila ba naging normal ang lahat sa kanila. Mas lalo tuloy silang kinakabahan sa pwedeng mangyari sa kanila kapag ganitong ni kaunting paramdam mula sa hari ng Lust World ay wala man lang silang makuha. “Sumuko na kaya si Heath? Kuya France?” seryosong tanong nga ni Bornok kay France habang nakaupo sila sa may labas ng bahay habang nakatingin sa asul na dagat. Bumuga naman ng usok si France mula sa kanyang sigarilyo, habang si Bornok naman ay inubos na ang laman ng tsitsiryang kinakain niya. Dito nga ay makikitang napakakalmado ng dalawa d

