Vinneah's POV Hindi ko binanggit sa kambal ang tungkol sa magkapatid na Wind at Cresia. Ayaw kong isipin nila na tsismosa ang asawa nila at pinapakialaman ang problema ng iba. Isa pa, wala naman akong dapat maging pakialam sa kanila dahil hindi ko naman sila kaano-ano. Labas na ako sa kung ano man ang narinig ko. Malaki na sila, may sarili silang isip at desisyon. If the only way to solve their problem is to run away. Bahala sila. Kung ako naman sa kanila, pag-usapan nila ito kasama ng kanilang mga magulang. Hindi pagtatanan ang solusyon sa kanilang problema. “Let's go home,” wika ni Fire nang makabalik na ako sa pwesto kung saan sila naroroon. “Okay,” maikli kong tugon at saka ko nilingon sina Mommy Nayeli at Daddy Zeke. Hindi ko naman nakita sa kanilang kinauupuan ang mga in-laws ko.

