Earlier… “Mrs. Ferry, sa tingin mo magugustuhan kaya ito ni Daddy?” tanong ko kay Mrs. Ferry habang hawak ko ang isang three-piece suit na siyang napili ko para iregalo kay Daddy. Collection ni Daddy ang ganitong kasuotan dahil nga ito ang ginagamit niya kapag pumasok siya sa trabaho. Kagalang-galang siyang tingnan kapag nakasuot siya ng ganito at akma ito sa itsura niya bilang boss para sumunod sa kaniya ang kaniyang nasasakupan. Maihahalintulad ko si Daddy sa mga librong nababasa ko sa isang applications. Isa itong klase ng online pocketbooks kung saan ay marami kang pagpipilian na pwedeng basahin. At si Daddy, maihahalintulad ko sa isang arogante at ruthless billionaire boss na nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya sa buong Pilipinas. Though, kabilang naman siya sa top twenty billion