Tahimik ang kambal habang pauwi kami ng tirahan nila. Labis akong nagtataka dahil hindi naman sila ganito kapag magkakasama kami. Lagi silang maingay at madaldal na kung minsan ay naririndi na ako ay ayaw pa nilang tumigil sa kakatalak. Isa man sa kanila ay walang nais magbukas ng usapan ngayon. Na tila nahulog sila sa malalim na pag-iisip at ayaw maistorbo. Tingin ko masyadong malalim ang kanilang iniisip na kahit nagmimina ng ginto ay hindi kayang hukayin. Pansin ko na ‘to kanina pa noong nasa mall pa kami. Bad mood na sila kanina alam ko. Gumaan na lang ng kaunti ang mood nila nang makalabas kami ng mall. Unlike kanina dahil talagang salubong ang kanilang mga kilay na akala mo ay nais mamalibag ng tao. Mag-o-open nga sana ako ng topic sa kanila. Tungkol sa ex-boyfriend ko na bigla k