Nakaligo na ako at nakapag-apply na ng manipis na make up sa mukha ko. Ang buhok ko ay ilulugay ko na lang dahil wala na akong time para kulutin pa ito. Ang prinoproblema ko na lang ay kung ano'ng damit ang isusuot ko. Kanina pa tapos si Mommy sa pagbibihis at bababa na raw sila mamaya ni Daddy. Ako, susunod na lang ako kina Kuya Apollo at Kuya Atlantis. Tapos saka ako hihiwalay sa kanila kapag nakita ko ng dumating ang kambal. Sabi nila baka kalagitnaan na raw ng party sila pupunta. Mauuna raw sina Ninang at Ninong na aalis dahil may aasikasuhin pa silang dokumento na iniwan ni Ninong para pag-aralan nila saglit. Hindi na raw pwedeng ipagpabukas pa iyon dahil malaking pera ang involve. “This one na lang,” bulalas ko nang makapagpasya na ako kung anong dress ang isusuot ko pagkatapos ng s