Kabanata 103. Mabilis na natapos ang seremonyas ng kasal namin. Hindi naman kasi katulad sa Pilipinas na ang dami pang cheche bureche. Dito mabilis lang dahil nagmamadali rin kasi iyong taong nagkasal sa amin. May susunod pa kasi siyang schedule at ayaw naman niyang maghintay iyong bride at groom lalo na at nasa senior years na ang mga ito. Konting picture taking pa ang naganap bago kami nagpunta sa venue ng reception namin kung saan ay naroon na na ang bumabahang pagkain sa lamesa. Siyempre, lutong pinoy ang naroon sa buffet table. May limang lechon baboy na tinatadtad ng mga waiter na itsura pa lang ay masarap na at malutong ang balat. Ito ang una kong titikman dahil sa isang sikat na lechonan pa sa Las Piñas galing ang masasarap na lechon na ‘to. Basta lechon, subok na ang kalidad n