Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang masulyapan ko si Vinnea sa bandang gilid ko at nagtataka yata sa pagkukumpulan naming lahat dito sa lobby ng hotel. Mukhang kararating lang yata niya dahil ngayon ko lang napansin ang presensya niya. "What's happening here? Bakit parang problemado kayong lahat?" nagtatakang tanong ni Vinnea habang palapit siya sa kinaroroonan namin. Kasabay niya sa paglalakad and baklang makeup artist at inaalalayan siya nito sa kaniyang suot na gown dahil medyo nahihirapan siya sa paglalakad. Mahaba kasi ang dulo nito at kailangan talaga ng alalay para hindi matapakan at madumihan. Nagtataka at halos mapamulagat naman si Fire sa gulat nang marinig niya ang boses ni Vinnea. Kaagad siyang bumaling sa gawi nito at agad na napalitan ng kagalakan ang kaniyang emosyon.