Dalawang araw bago ang kasal namin ni Vinnea ay nagpasya kami ni Fire na puntahan sina Carlax, Flynn, at Godofredo para hingan ng paumanhin sa ginawa namin five years ago. Matagal na namin itong pinaplano ngunit hindi kami magkaroon ng oras dahil mahirap hagilapin kung nasaan sila. Gusto lang namin ni Fire na ikasal kami kay Vinnea na matiwasay ang aming mga isip at konsensya. Kaya naman lahat ng mga nakasamaan namin ng loob ay gusto naming puntahan at makausap upang hingan ng tawad. Hindi naging madali para sa amin para sila ay hanapin. Si Flynn ay naninirahan na sa Hongkong kasama ang kaniyang buong pamilya. Umiwas siya na pag-usapan siya ng mga tao kaya naisipan niyang mangibang bansa at manirahan na roon habang buhay. Sinubukan namin siyang i-reach out ng kakambal ko through call ngu