Dalawang linggo na ang mabilis na lumipas nang bumalik kami ng Taguig. Dalawang linggo na rin ang nakalipas nang manligaw muli sa akin sina Kuya Fire at Kuya Ice. Kung gaano sila kadesidido noon, mas ngayon dahil ginagawa nila ang lahat makuha lang ang matamis kong “oo”. Nakailang date na rin kami sa dalawang linggo na nakalipas actually but this one is different from the three of us tonight dahil may surpresa raw sila sa akin. Well, I have a surprise for them both. Tingnan ko lang kung sino ang mas magugulat, kung sino ang mas matutuwa. Nakapagdesisyon na ako na huwag ng patagalin ang lahat. Huwag ko na silang pahirapan pa dahil nakita ko naman na sincere sila sa pagmamahal nila sa akin. Na wala silang ibang hangad kundi ang pag-ibig ko at magsama kaming tatlo habang buhay sa iisang bah