Back to normal na naman kami pagdating ng Lunes. Balik sa trabaho at balik sa dating gawi ang kambal. Pa-good boy sila ngayon dahil gusto nilang magpa-good shot sa akin. Start na naman sila sa panliligaw kaya naman asahan ko na ang pa-flowers at pa-chocolates nila dahil iyon ang sabi nila kagabi. Tingin ko nga hindi na ‘to kailangan dahil gusto ko rin naman sila. Kung narinig nila ang sinabi ko noong kainitan ng diskusyunan namin noon sa loob ng kotse nila noong nasa La Union kami ay swerte sila. Kung hindi naman, well…malas nila. Chance na nila iyon ngunit pinalampas nila. Tsaka ilang beses na kaming nag-make out, magpapakipot pa ba ako? Tapos sa kwarto ko na sila natutulog. Sabi ko hindi pwede dahil pag-uusapan kami ng mga katulong nila. Ang tigas lang ng ulo nila dahil pinipilit pa ri