"Nabili na ba natin lahat ng kailangan natin?" tanong ko kay Fire pagkatapos niyang tumabi rito sa akin sa likod. Galing kami ng grocery at kasama naming namili ang mga bodyguard namin para sa monthly supplies namin sa bahay. Si Manang ang talagang nakatoka rito. Pero dahil matanda na siya at minsan ay nag-uulyanin na dahil sa katandaan, kami ang gumagawa para walang makaligtaan na bilhin. Nakalista naman ang mga ito kaya walang problema sa mga bodyguard ko kundi ang magkarga na lang nang magkarga sa cart hanggang sa makumpleto nila ang mga ito. "Yup. Let's go home." Naglagay na ng seatbelt si Fire at gumaya naman ako sa ginawa niya. Pauwi na kami ni Fire ngayon sa mansion. We can't wait to go home just to see her. May dala kaming tig-isang pumpon ng bulaklak at box ng chocolates na impo