Ang lakas ng kaba sa aking dibdib habang hawak ko ang kanang palad ni Fire. Ilang beses akong nananalangin na sana gumising na siya at parang walang nangyari na babangon siya at bubuwelta na kami pauwi. But I know something is wrong with him. Alam ko, ramdam ko na may mali talaga. Kinakabahan tuloy ako na baka bumalik ang dating sakit niya noong mga teenager pa lamang kami. Sana ay huwag naman. Ako ang unang malulungkot kung balik ospital na naman kami nito araw-araw. Ayaw ko ng maranasan muli iyon ni Fire. Mahirap, sobrang hirap mag-stay sa ospital. Nakakapanghina lalo na kapag wala kang magawa para sa taong mahalaga sa iyo na nag-s-suffer sa isang nakamamatay na sakit. Walang kang magawa kundi ang maghintay ng resulta, umasa, manalangin, at umiyak. Ito lang ang tanging nagawa ko noon.