“Next time, huwag mong pairalin ang kaba sa dibdib mo, Ice. Think before you call us. Pati tuloy kami ay nataranta dahil sa iyo. Hindi na namin naisip ang sinabi ng doktor niya noon na imposible na siyang balikan ng sakit niya after his last session of chemotherapy. It's successful at matagal ng panahon na nangyari ang dagok na iyon sa buhay natin. Kung bumalik ang sakit niya, sana noon pa,” wika ni Daddy na natatawa pa rin hanggang ngayon. Pati kasi sila ay nablanko at nataranta kaya agad-agad na nagpahatid sila rito sa Manila gamit ang helicopter ni Ninong Cap. Hindi na pumasok sa isip nila ang sinabi ng doktor ni Fire. Basta na lang silang nagpahatid dito sa Manila dahil sa katarantahan. Takot kasi kaming lahat na magkasakit ang kapatid ko. Sabi ko nga mahirap lalo na kapag wala ka man