Huminga ako ng malalim nang muli akong magsalita. “Umuwi ka na sa amin, baby. ‘Di na kami sanay na wala ka. 'Di na kami sanay na hindi ka nakikita. We miss you so much…sana bumalik ka na,” pagmamakaawa ko kay Vinnea kahit para na akong tanga sa ginagawa ko. Subalit wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya kahit nagdrama na ako.Tahimik lang siya sa kabilang linya at tanging paghinga lang niya ang aking naririnig. Akala niya kakagatin ko a g pagpapanggap niya? Pinagpipilitan pa talaga niya ang pagpapanggap niya na seller ng kabaong. Damn it! Sa dami ng ibibenta niya ay iyon pa talaga? Hindi niya ako maloloko. Kabisado ko ang numero niya kahit hindi ito naka-save sa cellphone ko. Kabisado ko rin ang timbre ng boses niya na kahit nakapikit ako ay alam kong siya ang kausap ko. Magpapa