Vinneah's POV On the way kami patungo sa bahay ng ninong ng kambal kong asawa. Hindi ko alam kung kaninong bahay ng mga ninong nila this time ang pupuntahan namin dahil nakalimutan kong itanong kanina bago kami umalis ng bahay. Biglaan lang ang lakad namin dahil tumawag si Mommy Nayeli at pinasusunod niya kami sa party. Pansin ko lang, sunod-sunod yata ang party na aming dinadaluhan? Nang nakaraang linggo ay sa bahay ng Ninong Blue nila kami nagpunta dahil birthday daw ng kambal nitong anak. Tapos noong isang araw ay sa bahay naman ng kaniyang Ninong Storm dahil anniversary naman nila ng asawa niya. Ano kayang susunod na lakad namin pagkatapos ng salo-salo na pupuntahan nami ngayon? Sa dami ng kaibigan ng Daddy Zeke niya, malamang may susunod pa hanggang matapos ang taong ito. Good