Vinneah's POV Sumandal ako sa backrest ng upuan nang maghanda na kami sa pag-alis sa lugar na naging tanging naging saksi at nakarinig sa mga ungol naming tatlo pagkatapos namin gumawa ng kababalaghan. Nakayakap sa akin ang kambal habang katulad ko ay nakasandal din sila sa kanilang upuan. May ngiti sa mga labi at nagniningning ang kanilang mga mata. Palihim akong napangiti, ang saya pala magkaroon ng dalawang asawa. Bukod sa napapasaya nila ako sa kama, napapasaya rin nila ng husto ang puso ko. Sana huwag magbago ang pagmamahal nila sa akin. Sana hanggang sa pagtanda namin ay kami pa rin ang magkakasama. Ako ang unang malulungkot kapag isa man sa kanila ay mawala sa akin. Nasanay na ako ng ganito, nasanay na ako na dalawa sila sa buhay ko. Kahit subukan man kami ng mga pagsubok, san