“Pumapayag na ako sa gusto ninyo. Sa OB ni Mommy ako magpapa-check-up,” ani ko nang makapagdesisyon ako na pagbigyan sila sa nais nila. “Mabuti naman at pagbibigyan mo kami sa hiling namin, Vinnea…” masayang turan ni Ice na humakbang pa palapit sa akin para siguro ako ay kaniyang yakapin ngunit umatras ako dahil nailang ako bigla lalo na at kaharap namin si Fire na mataman na nakamasid sa aming dalawa. Tumigil naman si Ice sa paglalakad at napapakamot sa ulong naupo muli sa kaniyang inuupuan na parang napahiya sa ginawa ko. Feeling close kasi masyado. Hindi pa naman kami totally okay. Sabi ko suyuin muna nila ako hindi iyong naka-score lang sila ay feeling nila okay na ang lahat sa amin. Na kinalimutan ko na lahat ng pagkakasala nila sa akin at balik na kami sa dati. Huwag gano’n hindi s