“Hindi ka na nahiya! Talagang nagpabuntis ka pa sa kanila, Vinnea? Ano? Masarap ba kapag dalawa? Ang landi mo! Pinapahiya mo ang lahi natin!" mapang-insultong talak ni Tita Violet sa akin habang tinitingnan niya ako pababa at pataas na puno ng pandidiri. Nalungkot ako at nakadama ng hiya. Ito ang mga bagay na pumapasok sa isipan ko na pwedeng mangyari kapag may mga kamag-anak kami na magiging against sa relasyon namin ng kambal. Heto na nga iyon at ang kapatid pa ni Mommy ang unang nang-judge sa akin. Totoo nga ang sabi nila na ang unang manlilibak sa iyo at ang mismong kamag-anak mo pa. Na imbes na sila ang iintindi sa iyo at magiging karamay mo sa dagok, sila pa ang ganito ang trato sa iyo. "H-huwag naman po ninyo akong pagsalitaan ng ganiyan, tita. Wala po kayong alam kaya sana po hi