“Finally we are engaged to her, bro…” sabi ko habang nakangiti ng malapad kay Fire. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko sa sobrang tuwa na nag-uumapaw sa aking dibdib. Na kahit sa pagtulog ay dala ko ito at napapanaginipan ko pa ang nangyaring engagement sa aming tatlo nina Fire at Vinnea kagabi. “Yeah. Engagement party na at kasal na ang susunod nating pag-uusapan nito. I can't wait, Ice,” sabi naman niya na hindi rin masupil ang ngiti sa kaniyang mga labi. Na parang hanggang ngayon ay kilig na kilig pa rin siya nang umoo si Vinnea sa proposal naming dalawa. “Do I have a choice?” naalala ko ang sabi niya kagabi nang tanungin namin siya kung pakakasal ba siya sa amin ni Fire o hindi. Nadismaya kami ni Fire sa naging sagot niya sa totoo lang dahil parang napipilitan lang siya nang sabi