Humitit ako sa hawak kong sigarilyo bago ko ito tinapakan at pinatay gamit ang aking sapatos. “It's showtime!” sabi ko sa sarili ko bago ako tumayo ng tuwid at huminga ng malalim. Sinipat ko pa ang oras sa suot kong relo at saka ako tumingin sa gawi ng mga tauhan ko na nakaabang na sa senyas ko. I saw them looking at me. They are very attentive. Dapat lang dahil ayaw kong pumalapak ang plano na ito dahil baka hindi na maulit. Alam kong titirahin ako ng kambal oras na malaman nila ang plano kong gawin ngayong gabi. “Oras na…dapat magawa namin ito ng maayos. Or else, mawawala na siya sa akin habang buhay.” This is the only chance that I have and I hope we can do it perfectly. Wala sanang maging butas ang gagawin namin dahil dead end na kapag pumalpak kami ngayong gabi. Sinenyasan ko na