Kabanata 79. Sunod-sunod na tilaok ng mga manok sa labas ng bahay ang gumising sa natutulog kong diwa. Nagmulat agad ako ng aking mga mata nang maisip kong baka mahuli ako sa pagpasok sa trabaho at iwan na naman ako ng kambal para hayaan ako sa pagtulog ko. Ayaw ko naman na maulit muli iyon dahil nakakahiya sa kanila kaya naman dali-dali akong nagmulat ng aking mga mata habang naghihikab na bumangon ako sa kama. Madalas pa naman akong nahuhuli sa paggising ngayon kahit gusto ko sana na maaga akong magising at maunahan ko sila sa pagbihis. Lagi naman akong nahuhuli ng gising paano ang bigat ng katawan ko at parang nanlalambot palagi ang mga kalamnan ko. Tamad na tamad akong bumangon at madalas ay nakabihis na ang kambal bago pa lamang ako magpasyan na tumayo at pumasok sa banyo. Kapag na