"At...hayun nga...hiniwalayan mo ako dahil nahuli mo kami ng pinsan mo sa kwarto ko," malungkot na pagtatapos ni Lax sa haba ng kinuwento niya. Huminga pa siya ng malalim bago tumingin sa akin at ngumiti ng tipid. Ngumiti ako sa kaniya pabalik habang umiiyak sa sobrang sakit ng nangyari sa kaniya. Parang gusto kong bumalik sa mga panahong iyon. Dadamayan ko siya at pagsasabihan ang kambal na tigilan na nila si Lax. Laban naming dalawa iyon dapat dahil involve ako sa gulo na inumpisahan ng kambal. Pero mag-isa niyang pinasan ang lahat. Nakakalungkot dahil wala akong kaalam-alam na pinahihirapan ng kambal ang pamilya niya. "I'm sorry if you suffer a lot because of me..." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak dahil dama ko iyong sakit sa boses ni Lax habang unti-unti siyang n