Nag-panic ako nang magising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Malambot ang kamang higaan ko at malamig ang buong paligid dahil sa aircon na nakasindi. Hindi ko masyadong aninag ang kinaroroonan ko dahil patay ang ilaw at tanging lampshade lang ang nakasindi. Ngunit alam kong kwarto ng lalaki ang kinaroroonan ko dahil sa mga naaaninag kong naka-display na mga gamit na nakalagay sa estante na malapit sa kamang hinihigaan ko. Tulad ng bola ng basketball, baseball, baseball bat, at mga tropeo na malamang napanalunan ng may ari ng kwarto sa mga paligsahan na sinalihan niya. Hindi lang iyon ang napansin ko, may mga nakadikit din na poster ng mga sikat na basketbolista sa dingding na bahagya kong naaninaw dahil natamaan ito ng ilaw na nagmumula sa lampshade. Pilit kong inaalala