“K-kanino kayo humingi ng tulong para malaman ang lahat ng ito? Confidential dapat ang resulta ng ultrasound sound ko. Bakit ninyo nalaman na kambal ang mga anak ko,” nauutal kong sabi pagkatapos kong makabawi mula sa pagkabigla. I thought maitatago ko sa kanila ng matagal ang mga anak namin na dinadala ko. Gagantihan ko lang naman sila ng kaunti para naman magtanda sila sa dami ng kasalanan nila sa akin. Hindi ko sana sasabihin. Susurpresahin ko na lang sana sila kapag medyo okay na kami at balik na kami sa dati. But sadly they already knew about my situation. Ang masaklap pa, alam din nila na kambal ang mga anak nila na nasa loob ng sinapupunan ko. Ang galing naman ng mga tauhan na binayaran nila. Lahat ng sikreto ko ay alam na nila! Sabagay, kapag pera na ang pinakilos mo ay sasantuh