ACALLY Nagising ako ng may maramdaman ko na may mainit na kamay na humahaplos sa pisngi ko at hinawi ang buhok ko. Malakas man ang kabog ng dibdib ko sa pag-aakala na pinasok ako ni Fhil dito sa silid na tinutuluyan ko dahil hindi ko na siya kinausap pa matapos kong bumalik galing sa dalampasigan kanina. Sound rude pero, mabuti na iyon para hindi siya umasa na ayos lang ang lahat sa pagitan naming dalawa matapos ang ginawa niya sa akin na lalong naging dahilan ng depresyon at matinding takot nang tinangka niya akong gawan ng masama noon. Naka ilang kurap ko ng magsalita ang lalaking nakatunghay sa akin. Hindi ako maaaring magkamali. Amoy pa lang niya at maging ang epekto niya sa katawan ko kapag ganitong malapit siya sa akin ay kilala ko na siya kahit hindi ito magsalita. "Baby it's