SEBASTIAN "Let's go!" matigas na utos ko sa mga tauhan ko na nasa labas ng safe house ko dito sa Laguna. "Boss paano po Miss Acally?" tanong ni Trix. "Dito siya mamalagi, maiwan ka dito at ang team mo. Bantayan mo siyang maigi at siguraduhin mo na maibibigay mo ang lahat ng kailangan niya," seryoso na utos ko pero madilim ang mukha dahil sa kamalasan na inabot ko. Nailigtas ko nga ang mahal ko pero daig pa nito ang mabangis na tigre ngayon na matindi ang galit sa akin sa kasalanan na hindi ko alam. Babalik ako sa bahay ko para harapin ang mga taong may utang sa akin kasama na doon ang lalaking nakita ko at nadakip na kasama ni Acally na nasisiguro ko na siyang nagdala sa kan'ya sa Isla. "Boss, pwedeng sumama na lang po ako sa'yo? Iba na lang maiwan dito, kayang-kaya ni Brian 'yan pan