ACALLY Sinikap ko na huwag mag-isip ng kung ano-ano. Pinilit kong iwaksi ang bawat masasamang eksena na pumapasok at bumabalik sa alaala ko dulot ng mga marahas na bagay na naranasan ko recently. Ako na ang nag-kusa na humalik kay Sabby na ikinagulat nito. "Baby, okay ka lang?" tanong nito na hinawakan ang dalawang pisngi ko . "Yeah," tipid na sagot ko saka muli siyang niyakap at nangunyapit sa batok niya. Alam ko na naguguluhan siya sa nakikita na kilos ko dahil hindi ako ganito. Frustrated ako at hirap akong labanan ang lahat matinding takot na meron ako kaya ginagawa ko ang lahat para ma-divert ang atensyon ko. "Tell me the truth, may tinurok ba sa'yo si Darwin kanina? May naramdaman ka bang kakaiba at masakit na tumusok sa balat mo?" kunot noo na tanong nito. "Hindi, walang gano