ACALLY Kinaumagahan maaga pa lang gising na ako pupunta daw kasi kami sa doktor kaya excited ako. Gusto ko talaga na makasiguro na tama ang hula namin ni Miracle dahil ngayon ko lang napagtanto na advance nga pala ako mag-isip. Dapat pala sinabi ko kay Sabby na hinala ko ay buntis ako dahil hindi dumating ang buwanang dalaw ko tapos ngayon first week na ng buwan. Wala naman kasi akong symptoms o kakaibang nararamdaman. Lahat ay normal sa akin kahit sa pagkain na sabi nila ay hinahanap ng isang babaeng buntis. "Baby handa na ang almusal," sabi ng lalaking kaharap ko, nakangiti at hindi maitatanggi na masaya siya sa araw na ito. "Ang saya mo yata," puna ko dito. "Sino ba ang hindi magsasaya knowing na may nabuo na akong magdadala ng pangalan at apelyido ko," mayabang na sabi nito. Tum