ACALLY Masaya ang awra sa bahay ng dumating kami. Inabot sa akin ni Sabby ang isang pumpon ng white roses ng pumasok kami sa loob. Nakakatuwa na may ganito siyang sweetness at hayagan na niyang pinapakita sa lahat maging sa mga tauhan nito. "Alam n'yo, lahat kayo may bunos ngayon. Magkakaroon na kayo ng mga bagong bossing," mayabang na anunsyo ni Sabby sa lahat ng tauhan. "Ang galing mo talaga boss, nakabuo kayo agad," sabi ng isa sa mga tauhan nito. "Syempre ako pa," puno ng pagayayabang na sabi pa nito. "Soon, babalik na tayo sa mansyon. Mas ligtas doon ang mag-i-ina ko." Napabaling ako ng tingin kay Sabby. Anong mansyon pa ba ang sinasabi niya eh, pang-ilang bahay na iyon na pinagdalhan niya sa akin. Tahimik na naupo ako sa sofa habang abala si Sabby ng pag-pa-plano. Lagi siyang