SEBASTIAN Panay ang tawag ko kay Acally ng makarating ako sa hotel room na tinutuluyan ko pero hindi ito sumagot. Ilang ulit ko siyang sinubukang tawagan pero panay lang ang ring ng cellphone niya gayong dati rati ay agad niya itong sinasagot dahil alam niya ang oras ng tawag ko. Tinawagan ko si Miracle na i-check siya sa silid namin dahil nag-aalala ako na baka kung may kung anong nangyari sa kan'ya lalo na at mag-isa lamang siya at buntis sa mga anak namin. Nakahinga ako ng maluwag ng muli ay tawagan ko si Miracle na sinagot nito at sinabi na nagpapahinga na si Acally. Nagsisisi tuloy ako na hindi ko nilagyan ng cctv camera ang silid ko na alam ko na magagamit ko sana sa pagkakataon na ito. Mahalaga kasi sa akin ang privacy ko kaya wala akong nilagay na camera sa loob ng silid ko. M